Kris Aquino refuses to name financial abuser, set to return to work

Kris Aquino on refusing to name her financial abuser: "I humbly request that you post no names nor accusations; i stand with fairly upholding the rule of law, thus there is no need to make this a trial by publicity or one based on popular opinion- the TRUTH is already more than enough. #laban."


Inihayag ni Kris Aquino, 47, na inihahanda niya ang sarili na magbalik-trabaho sa susunod na linggo sa kabila ng kalbaryong pinagdadaanan dahil sa diumano'y panloloko sa pera ng taong pinagkatiwalaan niya.


Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules ng gabi, October 3, ipinakita ni Kris ang ilang litrato ng kanyang medical check-up sa Singapore, kung saan isang allergist-rheumatologist-immunologist ang sumuri sa kanya.


Pinayuhan daw siya ng doktor na tanggalin ang "emotional & intellectual stress" sa kadahilanang "80% of illness is worsened by what burdens us."

Sabi pa ni Kris, "My doctor said to focus on life’s POSITIVES.

"I have the best sons a mother can ask God for.

"I have the enduring love of family & friends. And i have the 100% support of my endorsements & followers.

"I have our country’s best legal counsels to represent us.

"I look forward to slowly going back to work, honoring all my commitments with a 100% trustworthy team starting next week."

Ayon kay Kris, one week bago lumabas ang test results ng "16 vials of blood" na kinuha sa kanya.

Ngunit so far ay positibo naman daw ang "initial prognosis" ng doktor.

"I promised transparency- i had 16 vials of blood drawn yesterday. 12 were drawn last week.

"Full results of my blood panel will take 1 week but my initial prognosis from the Singaporean allergist-rheumatologist-immunologist is encouraging.

"i have started the new medication he prescribed."

Sa huli, nakiusap si Kris na huwag nang pangalanan ng netizens kung sino man ang hinihinala nilang nanloko sa kanya sa isyung pera.

Mula kasi nang ihayag ni Kris ang diumano'y panloloko ng taong namamahala sa kanyang production company at endorsement deals ay naglabasan ang iba't ibang espekulasyon kung sino ang hinihinalang may kagagawan nito.

Ani Kris, "The comments section won’t be deactivated.

"I humbly request that you post NO NAMES NOR ACCUSATIONS; i stand with FAIRLY upholding the rule of law, thus there is no need to make this a trial by publicity or one based on popular opinion- the TRUTH is already more than enough. #laban."

Post a Comment

0 Comments