Matteo Guidicelli was very happy attending ABS-CBN Ball with Sarah Geronimo

Matapos ideklarang "the most beautiful woman" sa ABS-CBN Ball 2018 ang girlfriend na si Sarah Geronimo, muling nag-post si Matteo Guidicelli ng nakakakilig na larawan nilang dalawa sa Instagram kagabi, October 2.

sarah and matteo abs cbn ball

“Smile” emoji lamang ang inilagay na caption dito ng Kapamilya singer-actor. 

Pinusuan naman ito ang mga kaibigan nina Matteo at Sarah. Nag-post din si Matteo ng video sa YouTube kung saan ibinahagi niya ang preparasyon nila ni Sarah para sa ABS-CBN Ball. 

Dito ay sinabi ng 28-year-old singer-actor na kahit ilang beses na siyang um-attend sa grandiyosong pagtitipon ng Kapamilya stars, pakiramdam daw niya ay first time niyang dumalo ngayong taon dahil kasama niya ang girlfriend of five years na si Sarah.

Pahayag ni Matteo, “This one was special.

"So I felt like I had to dedicate a description for this video that could do justice to what I experienced and felt that night. Or at least try to.

"I've attended this ball countless times, but to be able to attend this ball with Sarah felt like I was experiencing it for the first time again, but even better."

Post a Comment

0 Comments